Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Angelica todo tanggol kay Angel

0 177

NI : VINIA VIVAR

Ipinagtanggol ni Angelica Panganiban ang kapwa-Kapamilya star at kaibigang si Angel Locsin sa body-shaming na naranasan ng huli mula sa isang education module sa Occidental Mindoro.

Sa nasabing module na viral ngayon, nakasaad na obese si Angel at madalas silang kumain ni Coco Martin ng fatty and sweet food sa Mang Inasal. Nakalagay rin na madalas daw manood ng telebisyon sa kanyang bahay ang aktres at walang physical activities.

Sa Instagram post ng Rappler sa balitang nag-apologize na ang Department of Education sa body-shaming kay Angel, tila hindi nakatiis si Angelica at sumagot sa comment section. Aniya ay hindi raw totoong nakaupo lang ang kaibigan sa bahay at nanoood ng TV.

“I don’t think nakaupo lang si angel sa bahay niya at nanonood ng tv. Busyng busy po siya tumulong sa mga nasalanta. Bakit hindi kayo dun mag focus? Sa kabutihan ng isang tao, lalo na ng kalooban niya,” ang komento ni Angelica.

May netizen naman na nagkomento na dapat daw ay magsampa ng reklamo sina Angel, Coco at Mang Inasal sa kung sino mang responsable sa gumawa ng module.

Leave A Reply

Your email address will not be published.