Abante Tonite Interactive

Angelica tsugi sa reunion movie nina Angel at Richard

By
7,934

Pagkatapos ng La Luna Sangre ay magpapahinga lang sandali si Richard Gutierrez na timely naman din dahil manganga­nak na next month ang fiancée niyang si Sarah Lahbati.

Pagkatapos nito, magsisimula na siya ng bagong pelikula under Star Cinema.

Ang nasabing movie ay pagsasamahan nila supposedly nina Angel Locsin and Angelica Panganiban pero ayon kay Chard ay mukhang maiiba na ang casting.

“Hindi ko alam kung dapat kong sabihin ito,” natatawa niyang sabi, “Pero parang kami na lang ni Angel.”

Nalungkot ba siya na nawala si Angelica sa cast since first time rin niya sanang makakasama si Angelica?

“Oo siyempre, gusto ko rin siyang makatrabaho. Pero I don’t call the shots. Wala pa namang final, so tingnan na lang natin.”

Ayon pa sa aktor ay ipe-present pa lang daw ulit ang bagong story sa kanila kaya hindi pa raw niya alam kung ano ang kuwento. (Vinia Vivar)