Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Angelica tutol makialam ang MTRCB sa Netflix

0 83

Isa si Angelica Panganiban sa mga celebrities na nagpahayag ng pagtutol sa hangarin ng MTRCB (Movie and Television Review and Classification Board) na i-regulate ang mga streaming platforms tulad ng Netflix.

Sa tweet ni Angelica kahapon, halatang imbiyerna ang aktres na matapos ipasara ang ABS-CBN ay Netflix naman ngayon ang pinag-iinitan.

“Grabe na din. Pati streaming gusto na pakelaman. Papatayin niyo na talaga ang industriya. Inuna niyo ang free tv. Bukas pag gising natin, north korea na to,” tweet ni Angelica.

Kinuwestiyon din ng aktres kung bakit kailangang kontrolin ang media at entertainment.

“Bakit ba takot na takot kayo sa media at entertainment? Una press freedom… ngayon pati kalayaan namin gumawa at mag kwento, totoo man o pagpapanggap, gusto niyong kontrolin. Tinatamaan ba kayo? Kasi masyadong malapit sa totoong buhay ang napapanood niyo?” tweet pa ni Angelica.

Leave A Reply

Your email address will not be published.