Abante Tonite Interactive

Angelica umalma na laspag

0 285

tonite-this-is-it-roldan-castroHalatang umiiwas sa press si Carlo ­Aquino. Hindi na siya nag-ikot sa mga table ng mga reporter nu’ng presscon ng “Ulan.” Umalis na siya after ng open forum. Kahit nu’ng premiere night ng “Ulan” ay wala siya.

Bagama’t may sarili siyang dahilan ay marami ang naniniwalang ayaw maurirat ni Carlo sa pagkakawasak umano ng ­tandem nila ni Angelica Panganiban.

Sa finale presscon ng “Playhouse” ay buong ningning na sinabi ng aktres na hindi muna sila magkakatrabaho ni Carlo. Panahon lang daw ang makakapagsabi. Baka pagtanda raw nila at buhay pa siya.

Tahasan din niyang sinabi na hindi sila magkaibigan ngayon ni Carlo.

Saad pa ni Angel ay baka inaayos ng aktor ang sarili niya ngayon.

Naramdaman ba niyang pinaasa siya ng aktor?

“‘Yun ang sabi niya… umasa daw ako. So…” naputol niyang pakli.

Hindi rin niya diretsong sinagot kung feeling niya ay ginamit lang siya ng mahusay na aktor.

Pumalag din si Angelica sa isang basher na sinabihan siya umanong laspag.

Inisa-isa rin ang naging boyfriend niya gaya nina Carlo, John Lloyd Cruz at Derek Ramsay.

Hindi raw niya kayang palagpasin ‘yun.

Hindi raw niya puwedeng dedmahin na lang ‘yung husgahan ang isang babae ng kapwa babae. Lalo na kung isang magulang ito na ‘di maganda ang sinasabi sa kapwa.

Minsan daw ay may mga bagay na kailangang patulan para tigilan ka rin ng kauurot nila.

Anyway, nasa hu­ling dalawang linggo na ang “Playhouse.”

Matapos nilang mailigtas si Robin (Justin James Quilantang) mula sa bingit ng kamatayan, muling na namang hahadlang ang tadhana na mabuo ang pamilyang inaasam nina Patty (Angelica Panganiban) at Marlon (Zanjoe Marudo) ngayong ang lumulubhang sakit naman ni Robin ang kanilang haharapin.

Sa kaguluhan ng kanilang buhay ngayon, mabubuo pa nga kaya nina Patty at Marlon ang pinapangarap na tahanan para kay Robin?

Kasama rin sa “PlayHouse” sina Isabella Daza, Kean Cipriano, AC Bonifacio, Ariella Arida, Dexter Doria, Nadia Montenegro,Ivan Padilla, Ingrid Dela Paz, Jomari Angeles, Malou De Guzman, Smokey Manaloto, at Maxene Magalona.
***

Betong sinita ng guwardiya

Comedy ang nangyari kay Betong Sumaya nang mag-guest sa “Sarap Di Ba?” Hindi siya kilala ng guard kaya hinahanapan ng ID.

Nagpakilala naman si Betong.

Hindi siya nagalit dahil ginagawa lang ng guard ang kanyang trabaho. Pinagharap pa mismo sa show sina Betong at ang guard pagkatapos ng insidente.

Anyway, ngayong Sabado naman ay guest sina Leo Martinez, Pekto Nacua at Chef Boy Logro.

Makikigulo sila sa mga host na sina ­Carmina Villarroel, Mavy at Cassy Legaspi.

Tutukan ang episode ng “Sarap ‘Di Ba?” ngayong umaga bago mag-”Eat Bulaga” sa GMA-7.