Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Angelica umihi sa online show

0 208

NI: ROLDAN CASTRO

Character talaga si Angelica Panganiban dahil kayang mag-trip kahit nasa gitna ng online show.

Hindi niya napigil ang tawag ng kalikasan habang nakikipagtsikahan sa kanyang guest na si Glaiza de Castro sa “#AskAngelica” .
Naloka ang co-hosts niya na sina Kean Cipriano at Via Antonio.

Tila hindi makapaniwala si Kean na iihi ang aktres, bitbit ang laptop at diretso sa comfort room.

SM food to go Banner Ad

Kahit si Glaiza ay nagtanong kung pupunta ba talaga sa banyo si Angelica.

Natawa na lang sila sa ginagawa ng aktres habang mukha na lang niya ang nakikita sa laptop.

Hitsurang mag-iisip ka na tinataas ni Angelica ang kanyang panty nang tumayo at matapos umihi.

Halakhakan na lang sila sa nakakawindang na eksena ng aktres. (Roldan Castro)

Leave A Reply

Your email address will not be published.