Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Angelica, Zanjoe todo trip sa ‘romansa’

0 241

Sinakyan at pinagtripan nina Angelica Panganiban at Zanjoe Marudo ang tsikang meron silang relasyon.

Kumalat kasi na na-develop ang dalawa sa serye nilang “Walang Hanggan.”

Dinaan nila sa biro ang tsismis na meron silang ‘romansa’ .

May post si Angelica sa kanyang IG stories na magka-holding hands. May caption itong “A2Z #rumoredboyfriend”

May post din siya na photo ni Z .Lahad niya,“Sinalubong ako ng rumored boyfriend ko.” Sinundan niya ng emoji na tumatawa.

Sa Instagram account naman ni Zanjoe ay may larawan na magkahilera ang kanilang sasakyan at halos magkatabi.

Sey ng aktor,“Pa like naman, para may heart sa gitna #rumoredboyfriend.”

Talbog!

Jennylyn may payanig na StarTruck

Bongga ang paandar ni Jennylyn Mercado para makapagbigay ng ayuda sa mga napinsala ng bagyong si Ulysses sa Cagayan.

Tinawag niyang StarTruck ang 10-wheeler truck na pupunuin niya ng relief goods.

Nakatakdang ihatid sa Nov. 27 ang truck saTuguegarao, Cagayan .

Mababasa sa Facebook page ni Jen.

“Ultimate StarTRUCK para sa mga Survivors!”

“Bessies!!!! Calling for your help na punuin natin ng donation itong truck na ito para sa mga nasalanta ng bagyong Ulysses sa Cagayan! Bukod sa mismong truck, may hinahanda na kaming 1000 bags of relief goods. Bilang ang laki nito theres room for more donations!

#StarTRUCK #StarTRUCKParaSaMgaSurvivors.

Bongga!

Leave A Reply

Your email address will not be published.