Abante Tonite Interactive

Angelina, Brad tapos na ang labanan sa korte

By
1,005

At last, natapos na din ang pag-aagawan ng celebrity couple Angelina Jolie at Brad Pitt kung kaninong custody mapupunta ang pangangalaga sa kanilang anim na anak – Maddox, 17; Pax, 15; Zahara, 13; Shiloh, 12; at ang kambal na sina Vivienne at Knox, 10.

May custody agreement ang dalawa kung saan pareho nilang nilagdaan ang mga dokumento.

Ilang linggo na pala ang nakaraan nang mapirmahan ng husgado ang desisyon. Pero inilihim nila sa media ang naturang desisyon. Kung hindi pa naulinigan ng Entertainment Tonight ang balita ay hindi pa ito maisasawalat sa media.

Kinumpirma naman ng legal team ni Angelina sa HollywoodLife ang buong katotohanan na “they ended their custody battle.”

“The agreement which is based on the recommendations of the child custody evaluator, eliminates the need for a trial. The filing and details of the agreement are confidential to protect the best interests of the children,” ayon sa abogado ni Angelina.

Ayon sa actress, ang custody battle nila ng ex-husband na si Brad ay sadyang sarado na.

Mas pagtutuunan na lang daw niya ang pagprogreso at kalusugan ng kanyang pamilya. Sadyang hindi sinasabi ng magkabilang panig kung kaninong custody mapupunta ang anim nilang anak. “Time will tell if the exact details are made public, but all in all, we’re happy the two were finally able to settle their legal differences,” ayon sa tagapagsalita ng celebrity couple.

Ang actor na si Brad ay excited nang makasama ang mga anak nga­yong Pasko. “The holidays are fast approaching and Brad is overall very excited about them coming because it is all about family and he is intending to make it completely drama-free and fun.

“He wants to make sure he gets a lot of time with all his kids because they are growing up so fast and he wants to enjoy all the experiences he can have with them. It doesn’t have to be a big trip or be somewhere glitzy. He just wants to spend some personal time with them all and ring in the new year with good vibes all around,” lahad ng spokesperson ng actor.