Abante Tonite Interactive

Angelina iniwan ang anim na anak kay Brad

669

Sa nakalipas na tatlong taon, si Brad Pitt ay hindi nakapaglaan ng mara­ming oras.

Pero masaya niyang tinanggap ang desisyon ng dating asawa.

Ayon sa mga ulat na lumabas sa social media, sa kasalukuyan ay sobrang abala si Jolie sa paggawa ng pelikulang Those Who Wish Me Dead.

Hiniling niya kay Pitt na pangalagaan muna ang kanilang mga anak na sina Maddox, 17, Pax, 15, Zahara, 14, Shilo, 12, twins Knox at Vivienne, 10.

Napagkasunduan nilang sa kanya muna mananatili ang mga anak na siyempre pa ay ikinatuwa niya dahil na-miss niyang maging tatay sa mga ito.

Inimbitahan ni Pitt ang kanyang mga magulang na sa kanya muna tumira sa kanyang mansyon sa Los Angeles para makapag-bonding kasama ang kanyang mga anak. Ayon naman sa isang source: “Angelina is very fulfilled right now with her work and her kids, she isn’t dating anyone, and that is by choice.

She’s thrilled again and doesn’t feel that a romantic relationship is something she needs in her life to feel complete or happy. It’s not about her not being able to move on for Brad, and he has nothing to do with her decision, not to date, she has no interest right now. That could change, of course, but right now, her focus is solely on her work and her kids, her plate is full.” (Lourdes Fabian)