Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Angeline 5 buwan buntis

0 220

Limang buwang buntis si Angeline Quinto. Ito naman ang kinumpirma ni Ogie Diaz sa kanyang YouTube channel.

Sey ng kanyang partner na si Mama Loi, “di ba, ibinalita rin ni tita Cristy (Fermin) na ang nasagap daw niya 3 months on the way na si Angge (nickname ni Angeline?”

Sagot naman ni Ogie, “ay naku, ako naman nasagap ko, dinagdagan ko ng 2 buwan. Five months.”

Ini-reveal din ni Ogie na lalaki ang gender ng first baby ni Angeline.

“Ang sabi sa akin, lalaki. Kasi may common friend kami ni Angeline. Nag-tsika sa akin na 5 months nang preggy sa isang non-showbiz at lalaki ang first baby. Yeyyy!” sabi pa ni Ogie at nagpalakpakan sila.

SM food to go Banner Ad

Sabi ni Mama Loi, “sana totoo.”

“Totoo!” pagkumpirmang muli ni Ogie.

Anyway, kahapon ay lumabas ang teaser ng The Purple Chair Interview Presents Angeline Quinto ni Boy Abunda sa kanyang YouTube Channel kung saan ay exclusive siyang na-interview ng King of Talk.

Ang naturang exclusive interview ay mapapanood pa lang ngayong gabi, Friday, Dec. 10 at 6pm.

Sa teaser ay makikitang diretsong tinanong ni Kuya Boy si Angeline kung buntis ba ito. Kung ano ang sagot ng singer, ‘yan ang abangan natin.

Leave A Reply

Your email address will not be published.