Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Angeline bagets ang kalambingan

0 588

NI: ALWIN IGNACIO

Basag sa mga fan ni songstress Angeline Quinto ang isang mahiwagang chika.

May larawan kasi sa IG itong si Quinto na may kasamang tila mas younger guy than her sa ilang IG photo posts.

Ang team dalahira at katkatera, having a field day na ang lalaking tatuan na kasama ni Angeline na nakalublob sa swimming pool, concluded na nila agad na may something ito.

Related Posts

Maliban sa kataka-taka at gusto kong mahibang na closeness nila ni crooner Erik Santos at ang lambingan nila alang-alang sa promo blitz ng pinagsamahan nilang project ni Coco Martin, parang wala namang homme pa na idinikit sa pangalan ni Quinto. Hindi rin siya humahara-hara sa kung saan-saang chilling spots na may ka-abrisiyete, kaakbayan or dancing on the dance floor acting naughty with any guy.

Hiyang-hiya naman sa inyo ang mga fan ni Quinto. Ang inyong imahinasyon, how fertile and pregnant. Hindi masyadong halata na you are stalking the chanteuse kaya bawat post niya, may habla kayong pangmalakasan, agad-agad.

Que kamag-anak ni Angeline ang homme at kung saka-sakaling dyowa niya nga, hindi pwedeng antayin muna natin ang opisyal niyang paglalahad tungkol dito. Huwag mag-atribida. Wag manghusga. At higit sa lahat, huwag kumilos ng hindi ayon sa inyong ganda.

Kaya sa team dalahira at katketara, huwag na pakialaman pa ang photo postings ni Angeline Quinto. Ang mga buhay-buhay niyo ang inyong ayusin at asikasuhin. Hindi ba naman?

Leave A Reply

Your email address will not be published.