Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Angeline bumuwelta na bagay sina Coco, Julia

0 444

Sa kanyang latest YouTube vlog ay sinagot ni Angeline Quinto ang mga mean comments about her. Nakakaaliw nga dahil habang sinasagot niya ang mga basher ay nagsasagwan siya ng bangka at binabaybay ang dagat.

“Usually guys wala talaga akong violent reactions dahil nakakatawa naman talaga ang pagka-mean ng bashers! Sanay na kong ma warshock! Pero try natin kung masisira ba nila ang panatag na tubig ng Anilao sa mga mean comments na babasahin ko ❤️ enjoy guys!” pahayag ni Angeline sa description box.

Ang unang komentong binasa niya ay nilait ang kanyang ugali na dapat daw ay pinaretoke rin daw niya.

Mensahe ni Angeline sa basher, “kung pwede nga lang iparetoke rin ang ugali, ginawa ko na! Pero kung gusto mo, sabay tayo, mas maganda ‘yon!”

Isa pang nakakalokang comment sa kanya ay mukha raw siyang kilikili ng pinaputi ng arina ni Dra. Vicki Belo.

“Ha?? May arina ba sa clinic ni Dr. Belo? Tagal-tagal ko nang nagpapa-Belo pero wala namang silang ginagamit na arina roon,” sagot ni Angeline.

“Ang arina, marami sa palengke, sa Talipapa. Diyan ka maghanap ng arina. Sa clinic ni Dr. Belo, waley!” sey pa niya.

Sinagot din ni Angeline ang komento na si Julia Montes ang bagay kay Coco Martin at hindi siya.

“Alam mo, Sophia (basher), kami ni Coco, maayos kaming magkaibigan. Maayos din naman kaming magkaibigan ni Julia. So, ngayon, bakit inuunahan mo si Kupido, ha? Marunong ka pa kay Kupido ng tao na kung sinon’g bagay sa isang tao?” sagot ni Angeline.

Isa pang komento ay ang pangit daw ng pagkakagawa ng ilong niya at sagot ni Angeline, “hanggang ngayon, nandiyan pa rin tayo sa ilong, hindi na natapos-tapos ‘yang issue tungkol sa ilong. Hindi nga ako nagpagawa.”

Kuwento pa ng singer, sinapak daw siya sa ilong ng isa niyang kaibigan na babae nong 16 yrs. old daw siya kaya hindi raw maganda ang kanyang ilong talaga.

Vice napaaway sa sindikato dahil kay Anne
Related Posts

Inamin ni Vice Ganda na ilang beses na rin siyang napaaway kahit artista na siya na ang isang insidente nga ay na-TV Patrol pa siya.

Kuwento ni Vice sa recent episode ng It’s Showtime, “may nang-okray sa akin na basketball player, taga-UST, sinapak ko, na-TV Patrol ako noon.”

Nasa Puerto Galera raw sila that time nang napaaway siya.

“Na-TV Patrol ako. Nakatikim ako kay Ogie Diaz talaga, kasi siya ang manager ko no’n,” sey pa niya.

“Basta inokray ang mga bakla, eh umiinom ako,” dagdag pang tsika niya.

Sabi naman ni Vhong Navarro, “starter talaga ‘yan. Sa Hong Kong, starter ‘yan, eh.”

Natawa na lang si Vice Ganda at ikinuwento na tila may nambastos kasi kasi sa kasamahang si Anne Curtis that time.

“Eh may nang-ano kay Anne Curtis,” aniya, sabay-muwestra ng pagsuntok.

“Pinauwi kami kasi sindikato pala ‘yun,” natatawa niyang dagdag.

Mobster daw pala ang nakalaban nila.

“At ang nakakatawa, naka-cocktail dress ako nu’n. Uwi kami,” aniya. Tawanan.

Ang bilis daw ng pangyayari nu’n kaya wala na silang nagawa kungdi umuwi na lang.

Leave A Reply

Your email address will not be published.