Abante Tonite Interactive

Angeline imbyerna sa prank call nina Yeng at Jona

By
5,663

LAGING inaalaska o inaasar ng kanyang mga kaibigan sa ASAP si Angeline Quinto.

Kamakailan lang, nag-post sa kanyang Twitter account si Angeline dahil hindi n’ya nagustuhan ang ‘goodtime’ sa kanya.

Idinaan ng singer-actress sa socmed ang hinaing n’ya sa naranasang prank call.

@AngelineQuinto, “Yung da­lawang beses ka ng na prank call. Una si Jona, pangalawa si Yenggay..”

Ang tinutukoy ni Angeline ay mga kapwa n’ya singers na sina Jona at Yeng Constantino.

Tila hindi na napigil ni Angeline ang reklamo sa dalawa dahil hindi niya nagustuhan ang panggu-goodtime sa kanya.

@AngelineQuinto, “Bakit gustong gusto niyong tawagan ako. Ang dami namang ibang number dyan sa contacts nyo. Natataranta ako sa utang ni Jona at sa problema ni Yenggay sa asawa…Hooooh ang babait ninyo. Thank You.”

Kahit may mga smiley emoticon at red heart icon na inilagay si Angeline sa kanyang mensahe, lumalabas pa rin ang pagka-imbiyerna n’ya sa naranasang prank call.

Nag-comment naman ang following ni Angeline na mahilig siyang i-goodtime ng kanyang mga kaibigan dahil mabait siya.

Hindi ito ang minsang pinanggigilan si Angeline ni Yeng. Noong nasa Balesin ang dalawa kasama ang kanilang mga handler at si Erik Santos, nasaktan ang una sa paglalaro ng huli sa kanya sa pool.

Naka-post sa Instagram video gallery ni Angeline ang eksena kung saan kumalas siya agad sa pagkakayakap sa kanya ni Yeng sa pool. Maririnig ang dialogue nitong ‘masakit’ at ‘nakainom’ siya ng tubig sa pool.

Katigasan ng ulo ni LJ tanggap ni Paolo

KASAL na lang ang kulang para maging kumpleto na ang pagmamahalan nina LJ Reyes at Paolo Contis.

Sa post ni LJ sa kanyang Instagram account na may larawan ni Paolo na nakatingin sa itaas, ibinuhos na lahat ng Kapuso actress ang nilalaman ng kanyang puso. Masasabing wala nang makakabuwag pa sa kanilang samahan at talagang basbas na lang ni Lord ang kailangan para maging buo ang kanilang pag-iibigan.

Lumalabas na napakabait at pasensyoso si Paolo sa kanilang relasyon ni LJ.

Sinasabi ng aktres na tinatanggap lahat ni Paolo ang katigasan ng ulo niya. Sagad ang pasensya ng comedian-actor sa kasintahan.

Pinasalamatan din ni LJ si Paolo sa pagmamahal at pag-aalaga sa kanya, pati na rin sa anak nyang si Aki. (Si Aki ay lovechild nila ni Paulo Avelino).
Winner!

Pokwang mukhang yaya ng anak

INALMAHAN ni Pokwang ang isang Instagram comment mula sa isa n’yang fo­llower. Pinintasan ang kanyang hitsura at sinabing mukha siyang ‘Yaya’.

Na-imbyerna si Pokwang sa komento dahil ang intensyon lang ng following n’ya ay i-bash sya.

Nag-post ang komedyante ng larawan nilang dalawa ng kanyang sanggol habang nakahiga sa kama.

Katabi ng mukha ni Pokwang ay si Baby Malia habang parehas silang nakatingin sa taas.

Hindi nakaayos si Pokwang sa photo kaya sinamantala ng isa niyang follower na pintasan s’ya.

@elam9251, “Mukha ka nanang yayeng (yaya) ni Malia, oops!”

Hindi pinalampas ni Pokwang ang basher kaya pumalag siya.

@itspokwang27, “@elam9251, yes, inuubos ko kasi ang lahat ng makakaya ko para magpaka-ina, wala akong time para magpaganda sa labas na anyo kasi wala naman akong show. Ang mahalaga mapalaki ko siya ng maayos at makatao na hindi mamimintas.”

Ipinagtanggol at sinuportahan naman si Pokie ng kanyang mga fan. Pinayuhan nilang dedmahin ang kanyang mga basher. Ang mahalaga, nagagampanan n’ya ang kanyang tungkulin bilang ina.

Magparetoke ng mukha: ’Bobo’ — Iñigo

TINAWAG na ‘bobo’ ni Iñigo Pascual ang sinumang nagmamarunong at nagpapayong ipaayos ang hitsura ng isang tao para maabot ang tagumpay.

Idinaan ni Iñigo sa kanyang Twitter Account ang na­ramdamang pagkainis. @ImPascualIñigo, “Wala akong babaguhin sa itsura ko. Let’s go with what God gave you,, Bobo lang ang magsabi sayo na kelangan mong baguhin itsura mo para maging successful.”

Hindi nilinaw o binanggit ni Iñigo kung sino ang pinatatamaan n’ya sa kanyang tweet, pero halatang nasaling ang kabaitan ng millennial recording star.

Pinayuhan naman si Iñigo ng kanyang following na huwag nang pansinin ang mga bashers dahil masasa­yang lang ang oras sa kanila.