Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Angeline inintriga kay Arron

0 153

NI: ARCHIE LIAO

Naiintriga ngayon sina Angeline Quinto at Arron Villaflor.

Ito ay pagkatapos ng ginawang pagbubunyag ni Vice Ganda nang minsang dinalaw niya ang biriterang singer sa bahay nito.

Ani Vice, sa kanyang sorpresang pagbisita sa singer-actress, naabutan daw niya noon ang aktor na si Arron Villaflor.

Gayunpaman, nilinaw ni Angge na kaibigan lang niya ang aktor.

Pero kahit nagpaliwanag na sa insidente, hindi pa rin matigil ang espekulasyon sa umano’y nagkamabutihan ng dalawa.

Gayunpaman, pag titingnan ang IG account ni Arron ay buong ningning niyang binabalandra ang kanyang love of my life. Lagi silang magkasama.

Leave A Reply

Your email address will not be published.