Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Angeline nangangamoy away

0 513

NI: VINIA VIVAR

Tila may kaaway si Angeline Quinto base na rin sa kanyang sunod-sunod na Instagram stories. Wala namang direktang pinatatamaang tao ang singer pero obvious na meron siyang pinapasaringan.

“My words will either attract a strong mind or offend a weak one,” ang unang quotation na ipinost ni Angeline.

SM food to go Banner Ad

Pagkatapos ay nag-post ulit ng isa pang quotation na ganito naman ang nakasaad: “I wish I could understand you dear. . .but I don’t bark.”

May TikTok video rin na ibinahagi si Angeline kung saan ay sinasabi ng girl na “galit na galit ka sa akin? Alam mo kung ako sa ‘yo, ipunin mo ‘yang galit mo. Baka makabili ka ng pake ko.”

Halatang may pinapatutsadahan din siya sa kanyang latest post kahapon na ganito naman ang nakasaad: “Some people just need to change their Facebook status updates to “ NEEDS ATTENTION “.

May kinalaman kaya ang mga posts na ito ni Angeline sa latest issue sa kanya na may bago siyang boyfriend at diumano’y may mga anak na raw ang guy mula sa dating kinakasama?

Leave A Reply

Your email address will not be published.