Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Angeline nangutang sa dyowa

0 104

Ni: ARCHIE LIAO

Sa kanyang vlog, itinampok ng singer-actress na si Angeline Quinto ang kanyang non-showbiz live-in partner na si Nonrev na ama ng kanyang anak na si Silvio.

Ibinida ni Angeline na nagkakilala sila ng partner through common friends.

Sa kanilang meet up, doon daw nagsimula ang atraksyon nila sa isa’t-isa.

Hindi naman ikinaila ni guy na nanggaling siya sa two failed relationships.

Inamin din niya na meron siyang tatlong anak na babae sa mga dati nitong relasyon.

Aniya, hopeful lang sila na mag-last ang kanilang relasyon ni Angge.

Dahil may hitsura, tinanong din ni Angeline ang dyowa kung bet nitong mag-artista.

Hirit ni Angeline, marami raw siyang kakilala at koneksyon kaya matutulungan niya ang karelasyon na makapasok sa showbiz.

Sey naman ni Nonrev, wala raw sa plano at hilig niya ang mag-artista.

Diretsahan ding tinanong ni Angeline ang nobyo tungkol sa mga espekulasyon ng ilang netizens na pera ang habol nito kaya dyinowa siya. Idinenay naman ito ng huli.

Ipinagtanggol naman ni Angge ang partner sa pagsasabing minsan siya pa nga raw ang nangungutang kay Nonrev lalo na sa pambayad ng Grab na inililista naman nito.

Aminado naman ang singer na ginagastusan ang partner sa pagbibigay ng mga regalo lalo na kung may okasyon.

Leave A Reply

Your email address will not be published.