Abante Tonite Interactive

Angeline napagkamalang kabit

2,159

Napagkamalang kabit ng isang netizen ang ­singer na si Angeline Quinto. Ito ay matapos mag-post ang singer ng mga larawan nila sa kanyang Instagram.

Hindi na nakapagpigil pa ang asawa ng lalaki na maglabas ng sama ng loob sa ­kanyang Facebook. Ipinost niya ang larawan ni Angeline kasama ang lalaki sa larawan na napagkamalang asawa niya.

Ani Valora Padua, “Pumatol sa May Pamil­ya? Lodi. Sana mga anak ko nalang tiningnan mo masarap ba si asawa ko Kaya kahit alam mong may pamilya handa kang siraan??”

Subalit ang nasa lara­wan pala ay ang malapit na kaibigan ng singer na si Ejay Dimayacyac. Sweet kasi ang mga caption ni Angeline sa kanyang Instagram kaya’t akala ng mga netizen na ito na ang bagong pag-ibig ng singer.

Todo naman ang suporta ng mga fan sa kanilang dalawa.

Komento ng mga netizen,

@imanglesergote, “Okay lang te basta support kami ayieee kung saan ka masaya sige du’n kami.”

@avella_lainel, “Support ka namin ate angge. We Love you.”

Samantala, may ilang netizen na nagkomento na naintriga sa post ng netizen. Napaka-misleading umano ng kanyang post at maaari pa siyang kasuhan kung nagkataon.

Malayo umano ang itsura ng asawa ni Padua kay Ejay na kasama ni Angeline sa mga lara­wan. Komento nila,

@park_russel, “­Siraulo ‘yung nag-claim na asawa niya raw napakalayo. Nanira na siya ‘di man lang siguraduhin. Go lang idol.”

as_filter, “Mga pinoy talaga toxic. intrigera! Hays mabilaokan sana ang mga chismosong palaka!”

Samantala, binura naman ni Padua ang kanyang post hinggil sa paratang niya. (Rona Ronda)