Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Angeline napagod kay Erik

0 167

NI: ARCHIE LIAO

Kung ano-anong eme noon ang lumabas tungkol sa relasyong Erik Santos at Angeline Quinto.

Lagi silang iniuugnay sa isa’t isa dahil sa pagiging malapit nilang magkaibigan.

Perfect din kasi ang kanilang team up at collaboration.

For sometime, tinagurian pa nga silang King and Queen of Teleserye Theme Songs.

May mga kuning kuning nga noong si Angge lang ang in lababu kay Erik at never silang nagkaroon ng relasyon.

Nilinaw rin ito ng aktres-singer sa kanyang IG account noon nang minsan niyang binati si Erik sa kanyang kaarawan . Esplika niya never naging opisyal na magdyowa sila.

Pero dahil may mga nananalig sa kanilang tambalan, may mga faney pa ring umaasang sila ang magkakatuluyan sa huli.

Sa It’s Showtime, pinagtripan ng hosts ng show si Angeline nang maging guest judge siya sa Tawag ng Tanghalan.

Napansin nila kasi na blooming ang beauty ng biritera kaya tinukso ito ni Kim Chiu na umano’y nagpapaganda dahil kay Erik.

Pinagtanggol naman ni Vice si Angeline at sinabing sa kanilang pag-uusap ay inamin ng singer na may boyfriend na ito at hindi ito si Erik.

‘Ate, with all due respect kay Erik, may boyfriend na kasi ako,” sey daw ni Angeline kay Vice.

“Kaya pala ang ganda-ganda mo ngayon,” komento ni Amy Perez.

Nang tanungin naman si Angeline tungkol sa pangalan ng boyfriend, ngumiti lang ito at hindi sumagot .Ikinatuwirang naka-mute ang kanyang microphone.

Dahil dito, umani ng samu’t-saring reaksyon ang pambubuking ni Vice tungkol sa lovelife ni Angeline.

Sey nila, marahil ay napagod na raw ito sa kaaasa kay Erik kaya naghanap na ng iba.

Leave A Reply

Your email address will not be published.