Abante Tonite Interactive

Angelo Kouame nangalabaw; Ateneo nakarebanse sa FEU

By
98

Standings W L
AdU 7 2
Ateneo 7 2
FEU 5 4
DLSU 5 4
UST 4 4
UP 3 5
NU 2 6
UE 1 7
Mga laro ngayon:
(FilOil Flying V Centre)
2:00 p.m. – UST vs NU
4:00 p.m. – UP vs UE

Naka-rebanse ang defending champion Ateneo sa Far Eastern University matapos dagitin ang 82-62 demolition win kahapon sa 81st UAAP basketball tournament sa Araneta Coliseum.

Nangalabaw si Angelo Kouame ng 33 points at 27 rebounds upang tulungan ang Blue Eagles na ilista ang 7-2 karta at saluhan sa tuktok ng team standings ang Adamson University na nagwagi sa De La Salle, 57-50 sa unang laro.

Dahil sa ipinakitang tikas ni Kouame ay halos hindi naramdaman ng Katipunan-based squad ang pagkawala ng magkapatid na Matt at Mike Nieto, nakabawi ang Ateneo sa FEU sa talo nila sa first round.
Nagpapagaling ang magkapatid sa natamong dengue.

“We’re very happy with the win and also very happy with his performance,” hayag ni assistant coach Sandy Arrespacochaga.

Dikitan sa unang canto, pero kumalas ang Blue eagles sa second matapos ilista ang 34-22.

Namuno sa opensa para sa Tamaraws si Russell Escoto na nagtala ng 13 markers at 13 rebounds.