Abante Tonite Interactive

Angels Johnson, Salas lolooban uli ang BanKo

0 228

Nangunguna pa rin ang PetroGazz kaya pananatilihin ng Angels ang malinis na record sa rematch sa BanKo sa ratratan ngayong Miyerkoles sa Premier Volleyball League Season 3 Reinforced Conference 2019 eliminations sa FilOil Flying V Centre, San Juan.

Tuloy ang pana­nalasa ng Angels kabilang ang pagtambang sa Pacific Town Army nitong Sabado, 25-12, 29-27, 25-15, sa likod ng 27 points ni Cuban import Wilma Salas para sa malinis na 5-0 kartada.

“Everyone’s gonna be co­ming for us. We have to really step our game now,” pahayag ng American reinforcement tandem niyang si Janisa Johnson na may 22 markers. “What we are good at, we have to be better at it.”

“The mistakes we made, of course we gonna improve that. Whatever aspect of the game, we have to improve it by as much as we can,” panapos niya, asam na duplikahin ang straight sets win sa BanKo nitong Mayo 29 (25-19, 25-21, 25-12).

Galing naman sa 5-set loss ang Perlas Spikers laban sa Pacific Town Army 22-25, 25-23, 29-27, 20-25, 7-15, tungo sa 2-3 W-L mark at fouth place sa standings.

Kapos ang 20 points ng Amerikanang si Lakia Bright na naka-17 pts. sa BanKo na kinakapitana ni Nicole Tiamzon para makaahon sa standings ng torneo. Babawi rin si Turkish Yasimin Yildrim.(Janiel Abby Toralba)