Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Anghel dela guardia ay Pusa

0 65

Ni Rey T. Sibayan

Mga ka-Misteryo naranasan niyo na bang iligtas kayo ng mga alaga niyong hayop sa tiyak na kapahamakan? Yan ang ating paksa ngayon. “Basta may Misteryo, Alamin ang Totoo!”

Mahal na mahal ni Marie ng Makati ang alaga niyang pusa. Sa katunayan hindi lang basta alaga ang turing niya kundi miyembro ng pamilya. Ilang beses na rin siyang iniligtas ng alaga niyang pusa sa kapahamakan.

Misteryo: “Paano ka niya iniligtas sa disgrasya?”

Marie: “Yun bang paalis na ako sa bahay para pumasok ay bigla siyang nagngingiyaw na parang may sinasabi sa akin, kaya ako naman kailangan ko siyang asikasuhin kaya late na ko sa work ko.”

Misteryo: “May nangyari ba nang araw na iyon at nasabi mong naligtas ka?”

Marie: “Oo meron nangyari, kasi yung ruta ng jeep na sinasakyan ko ay may nangyaring aksidente. Kung hindi ko pinansin pusa ko baka kasama ako sa naaksidente o kaya naipit ako sa traffic. Kaya ayun nag-grab na lang ako papasok at ibang ruta dinaanan ko.”

Misteryo: “Bukod doon Ano pa ang pagkakataon na iniligtas ka ng pusa mo?”

Marie: “Ah yung hindi na ako nakapasok sa work sa araw na kailangan ko siyang dalhin sa veterinary kasi bigla siyang nanghina. Nang nasa vet na kami may nangyaring sunog sa office namin at grabe ang traumatic experience ng mga ka-office mate ko. Tapos habang nasa vet kami nagtaka si doktora, wala naman silang makita na problem sa alaga ko.”

Misteryo: “Yung last na sinasabi mong naaksidente ka pero sa paniwala mo iniligtas ka pa rin ng pusa mo?”

Marie: “After a year na namatay ang pusa ko nangyari ang aksidente habang nagba-bike ako. Bigla akong nawalan ng kontrol nang may naka-motor na pinahagingan ako sa kalye kaya bumagsak ako sa kalsada. Nagtaka ako parang nag-slow motion lahat sa paligid ko at dahan-dahan akong bumagsak at walang sugat, walang bali ang katawan ko.”

Paniwala ni Marie, yung pet niyang pusa ang nagligtas sa kanya kahit na nasa kabilang buhay na ito. Para kay Marie, guardian Angel niya ang kanyang pusa.

Para sa inyong mga kuwentong karanasan, mag-email sa misteryophilnet@gmail.com. Bisitahin ang www.reytsibayan.com at abante.com.ph

Leave A Reply

Your email address will not be published.