Abante Tonite Interactive

Angkas balik-kalsada na

236

Balik-operasyon na ang motorcycle ride-hailing service na Angkas makaraang aprubahan ng Department of Transporation (DOTr) ang 6-buwang test run ng motorcycle taxi sa Metro Manila at Metro Cebu sa unang linggo ng Hunyo.

“For now, we would like to extend our deepest and sincerest thanks to all our bikers and passengers who form the backbone of this community,” sabi ni Angkas CEO Angeline Tham sa isang statement.

Malaki ang pasala­mat ni Tham sa na­ging pagtugon ng DOTr partikular si Secretary Arthur Tugade sa panawagan ng riding public na maging bukas sa isa pang mode of transportation na angkop sa mas nakakaraming mamamayan.

Pinasalamatan din niya sina Quezon City 2nd District Representative Winston Castelo at Senators Grace Poe at JV Ejercito bilang mga ‘ride-hailing service’s “champions” sa Kamara at Senado.

“The hard work of getting this off the ground now begins, and we have much ahead of us to ensure Angkas reaches more Filipinos properly and safely. We look forward to seeing more of you on the roads,” dagdag pa ng opisyal.