Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Angkas na walang barrier aprub sa GCQ

0 331

Sa nilabas na protocol ng National Task Force (NTF) on COVID-19 efforts sa motorcycle backriding, maaari nang mag-angkas ang mga rider kahit walang barrier basta’t mapatunayan na kasama nito sa bahay ang kanyang sakay.

Iba naman pagdating sa mga wala sa iisang bahay, kung saan kinakailangan ang barrier na dinisenyo ng Angkas.

SM food to go Banner Ad

Ayon pa sa NTF, kailangan na authorized person outside residence (APOR) ang umaangkas para mapayagaan ito, at hindi pa rin pwede ang paniningil sa mga rider. Kailangan din na mayroong face mask at full-face helmet ang rider at angkas.

Ang nasabing protocol ay ipapatupad simula ngayong araw Miyerkoles, Agosto 19, sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ).

Samantala, ipauubaya naman sa mga alkalde ng ibang lugar na nasa ilalim ng modified GCQ kung nais ipatupad ang nasabing protocol. (RP)

Leave A Reply

Your email address will not be published.