Abante Tonite Interactive

Angkas ni Medrana ‘di nababahala

By
103

Pinanood lang o “seen” lang ang ginawa sa ating mensahe sa messenger ni kasamang David Brian Medrana.

Para ba gang hindi apektado o di nababahala ang el presidente ng Angkas sa plano ng LTFRB na ideklara silang “persona non grata” sa mga lansangan o bansagang illegal ang operasyon nitong ride hailing motorbike.

Ang rason ng LTFRB: Sobrang delikado para sa pasahero ang style ni Angkas.

Abante Hiring – IT dep

Katunayan, napatunayan na ito at naranasan na mismo ng aming kapitbahay dito sa Olympia Village Makati.

Noong una, halos araw-araw naka-motmot ang sumusundo sa kanya hanggang isang araw ay nakita ko na lamang na halos isang kilometro ang galos nito sa kanang kamay hanggang kili-kili.

Sumemplang na nga ang Angkas na kanyang sinasakyan tuwing umaga.

Tunay na nagbibigay hanapbuhay ang pamamasada ng Angkas ngunit anong nararapat gawin lalo’t wala namang iminumungkahi ang pamunuan nito kung anong hakbangin ang ibibigay nito sa mga parokyano sa kaligtasang usapin.

Ni insurance ay wala umano itong plataporma para sa kanyang pasahero.

Kahit paano meron naman ang Grab at Uber dati at may bubong pa’t “mababango” (noong una) ang drivers ng mga ito.

Ngunit, subalit, datapwat mistulang hindi nga apektado si Ginoong Bryan dahil seguro iniisip nito na hindi naman sila masasawata o mapipigilang magpasada gamit ang internet app Angkas.

Oo hindi agad, agad.

Pero kung ako lang mismo ang mag-aabang para manghuli ng Angkas sa gilid gilid lansangan ng Ayala, Buendia, Makati Ave., aba’y baka hindi 100 unit ang ­aking matimbog.

Napakadali. Kasi pagbaba ni pasaherong Angkas, kasunod ng pagtanggal ng helmet ay pagbunot ng wallet upang kumuha ng perang pambayad ke Angkas Rider.
Subaybayan.