Abante Tonite Interactive

Angkas pilot run tinukuran sa Kongreso

170

Nagkasundo ang Kamara at Department of Transportation (DOTr) sa panukalang pilot run ng motorcycle­ ride-hailing service na Angkas bilang isang test case para sa pagbabalangkas ng angkop na regulasyon para sa motorcycle taxis.

Inihayag ni DOTr Assistant Secretary Mark de Leon na dalawang beses nang nagpulong ang Technical Working Group (TWG) na binuo ng ahensiya upang pag-aralan ang mga naaangkop na re­gulasyon para sa motorcycle taxis bilang public utility vehicles. Kasalukuyan din silang nagbabalangkas ng implementing rules and regu­lations (IRR) para sa napipintong pilot run ng Angkas.

Sa nasabing pagdinig kahapon, sinabi ni Manila Rep. Cristal Ba­gatsing na walang hum­pay sa pagtatanongNsa kanya ang kanyang mga constituent kung kailan babalik ang Angkas.

Binigyang-diin din ni House Committee on Metro Manila Development chairman Rep. Winston Castelo na ang provisional authority para sa pagpapanumbalik ng operasyon ng Angkas ay lubhang kailangan ng libo-libong mananakay na araw-araw na nahihirapan sa kanilang pagko-commute. Malaking­ tulong din ito, aniya, upang muling magkaroon ng hanapbuhay ang may 27,000 Angkas-biker partner na nawalan ng kita simula nang magbaba ang Korte Suprema ng TRO noong Disyembre.

Nagpahayag naman ng pasasalamat sa DOTr si Angkas Head of Regulatory and Public­ Affairs George Royeca sa mga naganap na pagpupulong ng TWG.

Mahigpit ding isinusu­long ni Congressman Arnolfo Teves, Jr., ng ikatlong distrito ng Negros Oriental, Rep. Arnolfo Teves Jr. ang muling pag-arangkada ng Angkas.

Nauna rito, nagpalabas ng pahayag si Makati City Rep. Luis Campos, Jr. na nagsasa­bing ang legalisasyon ng motorcycle taxis ay magtutuldok sa talamak na extortion ng mga tiwaling ahente ng batas.

“Right now, motorcycle taxi drivers are vulnerable to a shakedown wherever they go,” ani Campos.
Si Campos ang may akda ng House Bill 8855, o ang panukalang Act Allowing Motorcycles as PUVs.