Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Angkas pupugak pugak na

0 199

Dapa ang operasyon ng maraming negosyo sa Pilipinas dahil sa epekto ng COVID-19 pandemic. Marami sa kanila ang nabangkarote at napilitang magsara, ilan naman ay nagbawas ng empleyado para makamenos sa gastos.

Isa sa nakaranas ng problema sa operasyon ay ang motorcyle taxi ride-hailing firm Angkas. Tagilid umano ang takbo ng operasyon nito at namumurong mabangkarote sa kabila ng pinatupad na pay cut sa mga empleyado.

Malubak ang dinaanan ng Angkas mula pa noong nakaraang taon, pero nalusutan nila ito tulad ng isyu ng foreign ownership at mga paglabag sa terms ng pilot study para sa mga motorcyle taxi. Mismong TWG ng DOTr ang nakatuklas noong Enero 2020 na 99% na pag-aari ng DBDOYC Inc., isang Singaporean company, ang Angkas pero makalipas ang ilang araw ay nagsalita ang management na 60% na itong pag-aari ng isang Pinoy.

Pero mukhang unti-unti nang nauubusan ng suwerte ang Angkas at malapit na silang ma-flat. Ramdam ng kompanya ang bigat ng gastos kaya nagsara ng ilang tanggapan nito sa Metro Manila at iba pang lugar sa bansa.

SM food to go Banner Ad

Hindi maililihim ng Angkas ang pinagdadaanan nila ngayon dahil nakarekord sa Department of Labor ang Employment ang mga kompanyang nagbawas ng empleyado. Isiniwalat din ito sa memorandum na inisyu ni Cynthia Esquida, HR and Admin Manager ng DBDOYC Inc, parent company ng Angkas.

Sabi ng opisyal, inihain na nila sa DOLE ang retrenchment at reduction of workforce with ID number 235490. Marami umano silang staff na pinasibat matapos bayaran ng kaukulang kompensasyon.

Ang balita ko, masama ang loob ng ilang empleyado. Eh paano naman daw kasi, may pandemya na, humaharurot pa rin sa gastos ang ilang departamento kaya lumolobo pa rin ang operating expenses.

Isa sa sinisisi nila ay ang madalas magpapogi sa media na si Chief Transport Advocate George Royeca. Hindi raw naging maingat itong si “Boy George” sa financial resources ng kompanya. Isinalang-alang man lang daw sana ni Royeca ang kapakanan ng mga rank and file, lalo na ngayong taghirap na panahon.

Malapit nang umarangkada muli ang operasyon ng mga motorcycle taxi service pero sa problemang pinansiyal ng Angkas, saan kaya pupulutin ang higit sa 27,000 nilang motorcycle drivers?

Leave A Reply

Your email address will not be published.