Abante Tonite Interactive

Angkas rider nag-tip sa pulis

216

Isang 23-anyos na lalaki ang inaresto ng mga awtoridad matapos i-tip ng isang Angkas rider na nagdeliber sa kanya ng package na naglalaman diumano ng marijuana, sa Brgy. Rosario, Pasig City Sabado nang madaling-araw.

Batay sa nakalap na report, nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek na kinilalang si Mikko Berino y Salimba­ngon matapos tanggapin ang isang delivery package mula sa Angkas rider na si Jeffrey Francisco y Antipuesto.

Naganap ang insidente bandang alas-singko nang madaling-araw sa kahabaan ng Amang Rodriguez Avenue sa Brgy. Rosario.

Ayon sa imbestigasyon, ipinagbigay alam ni Francisco sa mga awtoridad ang kanyang dalang package na nag­lalaman ng isang pirasong zip lock transparent sachet.

Agad nagkasa ng follow-up operation ang Pasig City Police at sumama kay Antipuesto na ihatid ang package sa suspek na nagresulta sa pagkakaaresto dito.

Nakakulong na ang suspek sa detention cell ng Pasig City Police.