Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Angkas rider niratrat sa Commonwealth Avenue

0 98

Kritikal na isinugod sa ospital ang isang 37-anyos na lalaking Angkas rider nang barilin ng riding in tandem matapos na mag-U turn sa Commonwealth Avenue, Quezon City nitong Huwebes nang madaling-araw.

Nakilala ang biktima na si Angelo Baal Soriano, may asawa at taga-Maynila.

Sa report ng Quezon City Police District-Holy Spirit Station 14, bandang alas-tres nang madaling-araw kahapon nang mangyari ang pamamaril.

Nalaman sa imbestigasyon ni Corporal Mark Andrew Reyes na sakay ang biktima ng kanyang motosiklo nang harangin ng riding in tandem pagdating sa isang U-turn slot sa Commonwealth Avenue.

SM food to go Banner Ad

Natunugan umano ng biktima ang panganib kaya pinaharurot ang kanyang motorsiklo subalit pinutukan siya ng isa sa mga suspek at tinamaan sa likod.

Bagamat sugatan ay nagawa pa ng biktima na humingi ng saklolo sa mga opisyal ng Barangay Holy Spirit na agad naman siyang dinala sa ospital.

Iniimbestigahan pa ng pulisya ang nangyaring pamamaril at kung ano ang motibo nito. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.