Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Angkas rider sumalpok sa poste ng ilaw

0 263

Sumakabilang-buhay ang isang 31-anyos na Angkas driver nang bumangga ang minamanehong motorsiklo sa isang kongkretong poste ng ilaw sa Bacoor City, Cavite, Linggo ng hating gabi.

Kinilala ang biktima na si Rory Francisco, ng Barcelona Homes, Barangay Buhay na Tubig, Imus City.

SM food to go Banner Ad

Sa ulat ni Pat. Jerome Ais ng Bacoor City Police Station, minamaneho ng biktima ang kanyang motorsiklong Honda Click habang binabagtas ang kahabaan ng Bacoor Boulevard, dakong alas-12:45 kahapon ng hatinggabi nang pagsapit sa harapan ng McDonald’s sakop ng Barangay Bayanan nang aksidenteng mabangga nito ang isang kongretong poste ng ilaw sa center island.

Dahil sa lakas ng kanyang pagkakabangga, wala nang buhay ang biktima nang dumating ang mga rescuer ng BDRRMO. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.