Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Angkas sa bisikleta bawal din

0 165

Ipinagbabawal ang angkas sa bisikleta at mga electric bike (e-bike) ngayong may banta pa rin ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Sa report, ayon na rin kay Department of Transportation spokesperson Goddess Hope Libiran, bawal pa rin sa ngayon ang lahat ng uri ng backride.

Pero nagbabalangkas na ng mga panuntunan ang IATF para payagan nang bumiyahe ito.

Ayon naman kay MMDA Spokesperson Celine Pialago, dapat hulihin ang mag-aangkas. Pababain ang sakay nito at tulungang makabiyahe sa pampublikong transportasyon.

Mahaharap aniya sa P5,000 multa ang driver na siyang may responsibilidad sa paglabag sa physical distancing. (Riz Dominguez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.