Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Angkas tagilid, ilang staff binaklas

0 902

Tagilid ang takbo ngayon ng motorcycle taxi ride-hailing firm Angkas at namimiligrong sumemplang ang operasyon.

Ito’y sa kabila ng ginawang pagbabawas sa oras ng trabaho at bawas sa suweldo ng mga empleyado upang makabayad sa mga financial obligations.

Kinandado na rin ng Singapore-owned company ang ilan nilang tanggapan sa Metro Manila at ibang siyudad sa bansa upang mabawasan ang overhead expenses na siyang nagpapalaki sa lugi ng kanilang operasyon.

Sa memorandum na inisyu ni Cynthia Esquida, HR and Admin Manager ng DBDOYC Inc, parent company ng Angkas, isiniwalat nitong naghain ng retrenchment at reduction ng workforce ang kompanya sa Department of Labor and Employment (DOLE).

SM food to go Banner Ad

Ilan umano sa staff ng Angkas ang binigyan na ng termination notice matapos kagatin ang compensation packages.

Nabigla naman ang ilang empleyado sa retrenchment dahil hindi umano ito tugma sa malakihang gastos ng kompanya sa advertising and public relations activities.

Sinisisi ng mga natanggal na empleyado ng Angkas ang management sa pangunguna ni Chief Transport Advocate George Royeca.

Dahil sa napipintong pagkabangkarote ng Angkas, nalalagay ngayon sa alanganin ang kapalaran ng higit sa 27,000 motorcycle drivers kahit na nakatakdang magbalik na ang operasyon ng motorcycle taxi service matapos ang ilang buwan na pahinga bunsod ng pandemya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.