Abante Tonite Interactive

‘Angolan Budol-Budol’ gang umatake, 3 dayuhan timbog

By
2,176

Arestado ang lider ng Angolan Budol-Budol group kasama ang dala­wa nitong galamay na pawang mga foreigner na ang modus ay palitan ng pekeng dolyar ang peso ng costumer, sa isinagawang entrapment operation ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Pasay City.

Kahapon ay iprenisenta sa media sa Camp Crame ang mga suspek na nakilalang sina Aroon James, 44-anyos, mula sa Puerto Rico; Brown Akwe Fonboh, 43-anyos, mula sa USA; at Gum Blanche Murphy, 28-anyos, ng Angola. Ang tatlo ay pansamantalang naka-check in sa isang hotel sa Ortigas Avenue, Pasig City.

Ayon kay CIDG Chief Police Director Roel Obusan, isang Chinese natio­nal na hindi pinangalanan ang nagreklamo sa kanila matapos mabiktima ng grupo.

Narekober mula sa mga suspek ang P5M na ginamit sa entrapment operation, ilang bundle ng 100 bills ng US dollar na pinaniniwalaang mga peke.