Abante Tonite Interactive

Anihin agad ang pananim bago pa pumasok ang bagyo sa PAR — Dar

0 280

Hinimok ni Agriculture Secretary William D. Dar ang mga magsasaka na anihin na agad ang kanilang pananim at iwasan muna ang magtanim habang hindi pa nakakaalis si bagyong ‘Tisoy’ sa Philippine Area of Responsibility.

Inutusan din ni Sec. Dar ang mga DA regional field office na magpatupad ng kaukulang patakaran para mabawasan ang pagkasira ng mga pana­nim, livestock, aquaculture at larangan ng infrastructure facilities, gayundin ang magiging dulot na pinsala sa mga magsasaka, mangingisda at sa mga pamilya nito.

Pinaalalaha­nan ang mga mangingisda na huwag munang pumalaot dahil sa bagyo na magdudulot ng malakas na alon sa baybaying karagatan.

Mapanganib ang pagsasaka at pangi­ngisda sa lugar ng Eastern Visayas at sila ay pinaalalaha­nan ng mga lokal na Disaster Risk Reduction and Management Council (DRRMC) na mag-ingat at sundin ang bulletin na ipalalabas ng lokal na pamahalaan nila. (Riz Dominguez)