Abante Tonite Interactive

Anim na oras lang!

321

Dear Abante Tonite,

Magandang araw mga ka-Abante, isa ang pagiging guro sa mga trabahong hindi lamang sa apat na sulok ng silid/opisina natatapos. Hanggang pag-uwi sa tahanan ay bitbit ang mga papel na dapat markahan, mga proyekto, gagawa pa ng lesson plan, grading sheet at SF 1-10. ‘Di pa kabilang dito ang sandamakmak na visual aids at pag-iisip ng mga pakulo upang hindi lamang matututo kundi maaliw ang mga bata sa klase.

Yaman din lamang at matunog ang argumento tungkol sa dapat nga bang taasan ang pasahod sa mga guro (pampubliko) ay bakit hindi natin usisain ang iba pang memorandum na hindi rin sinusunod ng ibang paaralan. Totoo nga namang kayod kalabaw sila Ma’am at Sir, sa loob ng 10 oras na pamamalagi sa klase sa halip na 8 oras lamang ay may mga mangilan-ngilan ding hindi sumusunod sa 6 na oras ng teaching load bawat isang guro. Ayon sa DepEd Memorandum No. 291 dated June 13, 2008, the general guidelines for the implementation of the six (6) hours of actual classroom teaching of public elementary and secondary teachers and the specific guidelines to be formulated in the school level for the remaining two (2) hours to complete the eight (8) hours of work. 6 na oras upang magturo at 2 oras upang gawin ang iba pang paper works.

Kaya naman itong sila Ma’am at Sir, hindi na magkanda-ugaga sa pag-iisip dahil higit pa sa sobra ang hinihingi ng paaralan na serbisyo mula sa kanila. ‘Di na rin nakapagtataka kung bakit dumadami ang mga Ma’am at Sir na hindi na nga nakakapag-asawa dahil nga sa dedikasyong ibinibigay nila sa pinakamamahal nilang bokasyon. Bakit nga ba hindi ito suklian nang tama?
Ms. Rosales ng Halang Central