Abante Tonite Interactive

Anim na saksak, bayad ng adik sa ₱500 utang sa karelasyon

261

Sa pahayag ng asawa ni Papan na si Charlie sa TUGIS, ipinasiya aniya nilang iuwi sa kanilang bahay ang abo ng kanyang asawa upang makapiling muna nila bagama’t tiniyak niyang ilalagak din nila sa columbarium na siyang wastong lugar na pinagdadalhan sa mga abo ng nasawi.

Nang gabi rin ng Agosto 3, araw ng Biyernes, nagtungo ang grupo nina Maj.

Hizon, kasama ang ilan niyang tauhan mula sa Station Investigation Unit sa Central Luzon Drug Rehabilitation sa Magalang Pampanga upang makipag-ugnayan sa pamunuan ng naturang pasilidad para sa agarang pagdakip kay Jan-Jan.

Naging maayos naman ang pakikipag-ugnayan ng pulisya sa pamunuan ng naturang drug rehabilitation center at nangakong ihaharap nila si Jan-Jan upang harapin kung ano mang krimen ang ibinibintang sa kanya.

Hindi naman naging mahirap sa mga tagapamahala ng drug rehabilitation center na kumbinsihin si Jan-Jan na makipagtulungan sa mga pulis at pinayuhan din siya na harapin kung ano man ang nagawa niyang krimen.

Nagpahayag din siya ng kahandaang isiwalat ang lahat ng mga pangyayari sa krimeng ibinibintang sa kanya bagama’t kinailangang niyang isiwalat ito sa harap ng abogado na kanyang pipiliin na isang panuntunan ng korte sa pagbibigay ng judicial confession sa pulisya.

Dahil dito binigyan pa ng isang araw ng pulisya si Jan-Jan bago magbigay ng kanyang salaysay upang magkaroon siya ng pagkakataong kumuha ng pribadong abogado na gagabay sa pagbibigay niya ng kanyang extra judicial confession.

Agosto 5, 2019 araw ng Lunes dakong alas-5:15 ng hapon nang magbigay ng kanyang sinumpaang salaysay si Jan-Jan kay P/Cpl. Ryan Alburo sa sa harap ng kanyang anak na si Mark Jan, kapatid na si Basilio, pamangking si Henrico na pawang may apelyidong Perdigon, bayaw na si Carlito Parenas, abogadong si Atty. Nathaniel Bilocura at P/Maj. Jose Romero Hizon.

Ayon kay Jan-Jan, Sabado ng tanghali noong Hulyo 20, 2019 nang magtungo sa kanyang bahay si Papan sa 149 A. Concepcion Street, Barangay Pasolo sa Valenzuela city at sinisingil siya ng P500 pagkakautang na hindi pa niya nababayaran.

Nais aniyang kunin ni Papan ang naipundar niyang television set na naging dahilan ng kanilang mainitang pagtatalo hanggang pagkakalmutin siya sa katawan at sinampal pa siya ng ubod ng lakas.