Abante Tonite Interactive

Anim na saksak, bayad ng adik sa 500 utang sa karelasyon

235

Katunayan, bago nangyari ang karumal-dumal na pagpatay kay Papan, nagtungo pa ang buong pamilya upang mamasyal sa Tagaytay City at halos buong maghapon nilang nalasap ang kasiyahan sa pagba-bonding.

Hindi akalain ni Charlie, pati na ng kanilang dalawang anak, na ‘yun na ang huling pinakamasayang okas­yon na magkakasama silang buong pamilya dahil noong Hulyo 20, 2019, dakong ala-una nang hapon, umalis ng bahay si Papan at nag-paalam na magtutungo sa St. Jude Diagnostic Clinic sa Malabon City para sa regular niyang check up.

Sa panayam ng TUGIS kay Charlie, isinailalim sa operas­yon ang kanyang asawa matapos na kakitaan ng paglaki ng bukol o myoma sa labas ng mat­ris kaya’t regular si­yang nagpapa-check up sa naturnag diagnostic clinic.

Dalawang araw makaraan ang pagkawala ni Papan, ginamit na ng anak ni­yang si Gilbert ang social media upang manawagan sa pamamagitan ng kanyang Facebook account upang makakalap ng impormasyon sa sinumang makaka­kita sa kanyang ina na ang huling suot nang mawala ay itim na leggings, puting cap, kulay itim at rosas na T-shirt at shoulder bag na may kombinasyong kulay itim, rosas at gray.

Nagpa-blotter din si Charlie sa Navotas City Police upang ipabatid ang pagkawala ng asawang si Papan habang iniisip ang mga nakaraang pangyayari sa kanilang pagsasama sa pagbabakasakaling may maaalala siya na magiging daan upang matagpuan ang asawa.

Dito sumagi sa isip ni Charlie ang madalas na pakikipag-palitan ng mensahe ni Papan sa hindi niya batid na kakilala hanggang matagpuan niya ang isa pang cellular phone na ginagamit ng ginang, pati na ang ilang piraso ng sim card na nakatago sa isang cabinet sa loob ng kanilang silid.

Sinabi ni Charlie sa TUGIS na nakita niya ang pangalan ng isang alyas ‘Jan-Jan’ sa isa pang cellular phone ng asawa na itinatago sa kanya subalit burado na ang lahat ng palitan nila ng mensahe kaya’t walang isa man siyang nabasa.