Abante Tonite Interactive

Anim na saksak, bayad ng adik sa 500 utang sa karelasyon

309

EDISON REYES

Naalala ni Charlie si Jan-Jan na kababata ng kanyang asawa sa Barangay Pasolo sa Valenzuela city at ilang beses din niyang nakita na nagpupunta sa kanilang lugar upang hanapin si Papan.

Minsan na ring nakausap ni Charlie si Jan-Jan nang magtu­ngo sa kanilang tirahan upang hanapin si Papan at nang kanyang tanungin kung ano ang pa­kay sa kanyang may-bahay, sinabi magbabayad lang siya ng kanyang pagkakautang.
Noong Hulyo 24, 2019, nagtungo sa barangay hall ng Barangay Pasolo ang nagpakila­lang ina at kapatid ni Papan at nakausap ang 49-anyos na si Carlito Martin, Jr., ang Barangay Executive Officer (Ex-O) sa lugar at nagtatanong kung nagtungo ang ginang sa bahay ni Jan-Jan.

Gumawa ng paraan si Ex-O Carlito na makaharap ng nagpakilalang ina at kapatid ni Papan si Jan-Jan at naganap ito sa bahay ng pinsan ng nawawalang ginang subalit ikinaila ng lalaki na nagpunta sa kanila ang asawa ni Charlie.

Sinabi ni Jan-Jan sa nagpakilalang ina at kapatid ng ginang na tumawag lang sa kanya si Papan at sinabi umano sa kanya na may susundo sa kanya na isang kulay puting van at wala na siyang ibinigay na iba pang detalye sa pagkawala ng ginang.