Abante Tonite Interactive

Anim na saksak, bayad ng adik sa 500 utang sa karelasyon

199

EDISON REYES

Sinabi ni Ex-O Martin na sa kanilang barangay hinanap ng kaanak si Papan dahil may boyfriend aniya ang ginang sa kanilang lugar na kinilala ­niyang si Godofredo Perdigon, Jr. na kilala sa palayaw ng Jan-Jan.

Ayon pa kay Martin, matagal na niyang kakilala si Papan ­dahil sa kanilang ­barangay din ito nanirahan pati na ang kanyang ­pamilya habang kababata rin niya si Jan-Jan at sabay silang nagbinata.

Naging magkasintahan aniya sina Papan at Jan-Jan noong sila’y mga dalaga’t binatabata pa at nagkahiwalay lamang nang kapuwa sila magkaroon ng kani-kanilang pamilya.

Noon aniyang buwan ng Mayo ng kasalukuyang taon, namatay ang tiyahin ni Papan kaya’t nagtungo sa burol ang biktima at dahil dito,kaya’t muli silang nagkita ni Jan-Jan na hiwalay na sa kanyang asawa.

Mula noon ay lagi na aniyang nakikitang magkasama ang dalawa hanggang mabuhay na muli ang kanilang pag-iibigan.

Ayon pa kay Martin, maayos ­naman ang ­pagkatao ni Jan-Jan maliban lang nang ­masangkot siya sa ­paggamit ng ilegal na droga kaya’t napabilang siya sa ­Wellness ­Program ng ­barangay at kabilang sa mga isinailalim sa Oplan Tokhang.