Abante Tonite Interactive

Anim na saksak, bayad ng adik sa 500 utang sa karelasyon

0 192

EDISON REYES

Dahil sa tinamong karangalan, hindi naging problema kay Alecs ang paghahanap ng trabaho dahil kaagad siyang natanggap bilang High School English teacher sa Saint Peter the Apostle Church sa Paco, Manila.

Hindi rin naging problema nina Charlie at Papan ang bayad sa matrikula ng bunso nilang anak na si Gilbert dahil kabilang siya sa mga freshmen na scholar ng Centro Escolar University na kumukuha ng kursong medical technology.

Sa loob ng 21-taong pagsasama bilang mag-asawa nina Charlie at Papan, hindi sila kinakitaan ng kanilang mga anak at maging ng kapatid at kaanak ng lalaki na nagkaroon ng pag-aaway o hindi pagkakaunawaan.

Hinangaan at kinainggitan pa nga ng ilan ang pagsasama ng mag-asawa dahil kahit sapat lang ang kinikita ni Charlie sa pamamasada ng kanyang sariling sasakyan, naging mahusay ang paggabay at pagpapalaki nila sa dalawang anak na kapuwa hindi naman nagbigay ng anumang sakit ng ulo sa kanilang mga magulang