Abante Tonite Interactive

Anim na saksak, bayad ng adik sa P500 utang sa ka-relasyon

388

EDISON REYES

Marami ng mga nangyayaring krimen na ang ­pagpaparamdam ng mga naging ­biktima ang nagiging susi upang malutas ang ­nangyaring pagpatay o ang ­mismong pag-amin ng kriminal dahil ­inuusig siya ng kanyang konsensiya o ­mismong sa ­kanya nagpapakita o ­nagpaparamdam ang kanyang biktima.

Bagama’t hindi tinatanggap ng hukuman ang anumang uri ng ­itinuturing na kababa­laghan, may mga kaso naman na nalulutas nang ­dahil sa tulong na rin ng ­nagiging biktima na ­kahit sa kasalukuyang tek­nolohiya at malawak na kaalaman sa siyensiya ay ­hindi pa rin nabibigyan ng kaukulang paliwanag.

Sa kaso ng pagka­ka­tuklas sa bangkay ni ­Rosalie o Papan sa isang fishpond sa ­Valenzuela city na puno ng mga ­water lily matapos na maiulat ang kanyang ­pagkawala, ­masasabing ­tumulong mismo ang ­biktima sa mga awtoridad upang matagpuan ang kanyang bangkay.

Sa ilalim kasi ng ­umiiral na batas, magka­karoon ­lamang ng ­pag-usad ng ­usapin ­hinggil sa isang ­krimen kung matutukoy ang katawan ng biktima na siyang ipiprisinta ng tagausig na ­magpapatunay na may nangyaring ­pagpatay.

Mahalaga sa ­pag-­usad ng isang kaso ng ­pagpatay na ­mapatunayan ng tagausig na may ­naging biktima o ang ­pamantayan ng “corpus ­delicti” o ang ­konkretong ­ebidensiya ng ­bangkay nito at ang ­motibo o ­dahilan kung ­bakit ­isinagawa ang ­pagpatay.

Bagama’t ang tagausig ng pamahalaan ang ­siyang ­magpi-prisinta ng mga ebidensiya kung sakali at umakyat ang ­usapin sa Mababang ­Hukuman, kailangan din ang kumpletong ulat na isusumite ng kapulisan na kanilang ibabatay sa gagawing pagsisiyasat sa nangyaring krimen.

May mga mabibigat na kaso rin nang pagpatay na masusing ­pinag-aaralan ng kapulisan ang ginagawang pag-amin ng salarin sa krimen lalu na’t ­hindi lang minsan ­nangyayari na bumabaligtad sa ­kanilang unang pahayag ang ­akusado at ang ­laging ­ikinakatuwiran ay ang naranasang panggigipit o pagpapahirap sa kanila ng mga awtoridad.