Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Animam babalik sa Gilas

0 65

Ibinahagi ni Gilas Pilipinas women’s coach Patrick Henry Aquino na inaasahang babalik pa para sa national cage squad si stalwart Jack Danielle Animam sa susunod na taon.

Inulila ng 22-year-old, 6-foot-5 Pinay center mula sa Bulacan ang bansa sa 28th International Basketball Federation Women’s Asia Cup 2021 sa Amman, Jordan nitong Setyembre 27-Oktubre 3 para pumampito lang.

SM food to go Banner Ad

“We’re already talking with Jack. Sabi ko ‘wag mo kalimutan ang country natin. Sabi naman niya she’ll be here in February. It’s just a matter of scheduling,” ani Aquino nitong Martes sa online Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum na mga hatid ng San Miguel Corporation, MILO, Amelie Hotel, Braska Restaurant at PAGCOR.

Kasalukuyang naglalaro si Animam sa Radnicki Kragujevac sa 16th First Women’s Basketball League of Serbia 2021. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.