Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Animam didribol sa Taiwan

0 165

LUMIPAD na nitong Huwebes si Gilas Pilipinas women member Jack Danielle Animam patungong Taiwan para maglaro bilang import.

SM food to go Banner Ad

Miyerkoles ng gabi nang makuha ng 21-year-old, 6-foot-5 center ang kanyang Taiwanese visa para mag-reinforcement sa Shih Hsin University na kumakampanya sa Taiwan’s University Basketball Association.

“Mixed emotions — masaya, excited, malungkot, at kinakabahan,” pahayag ng basketbolista na double gold medalist sa 30th Southeast Asian PH 2019. “Pero mas nangingibabaw ‘yung excitement,”. (Aivan Denzel Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.