Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Animam hindi iiwan ang ‘Pinas

0 188

Loyal at walang balak na magpa-naturalized sa ibang bansa si Jack Danielle Animam sakaling may dumating na alok sa kanya.

Kakabida lang ng 22-year-old, 6-foot-5 center at Bulacan pride sa Shin Hsin University sa matagumpay na title defense sa 2020-21 University Basketball Alliance sa Taiwan noong March 21.

“Hindi,” tugon ng basketbolista kay Abante Sportalakan host Sarah Jireh Asido nitong Lunes. “Kasi the reason why I’m doing what I’m doing right now is I wanna elevate the Philippine women’s basketball so why would I be a naturalized player to other country if I can play for my own country, ‘di ba?”

“Hindi ko iniisip ang mga ganyang bagay basta ako trabaho lang, kung ano ang ipinunta ko rito, kung ano ‘yong sinet kong goal, (‘yon) dapat mangyari,” hirit ng 2019 PH Southeast Asian Games double gold medalist sa 3×3 at 5-on-5.

Pinanapos ng many-time national o Gilas Pilipinas (women) player, “Loyal tayo.” (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.