Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Animam nag-ensayo na

0 206

Tapos na ang quarantine at isolation kaya sasabak nang muli sa basketball ang Gilas Pilipinas Women’s team standout na si Jack Danielle Animam.

Nasa Taiwan na ang six-time UAAP (University Athletic Asociation of the Philippines) women’s basketball champion upang maglaro bilang import sa Shih Hsin University na kumakapanya sa Taiwan’s University Basketball Association.

Bago makalabas sa kanyang hotel room pagdating sa nasabing bansa noong Oktubre, puro pagsasayaw sa tiktok ang ginawang libangan ng 21-anyos, may taas na 6-5 at tubong Malolos, Bulacan na basketbolista.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ngayong balik hard court na si Animam, dito naman siya hahataw.

Sa isang post ng 2019 PH Southeast Asian Games double gold medalist (5×5 at 3×3) sa social media Biyernes, may larawan siya sa SHU noong 2014 at ngayong 2020.

“Who would have thought that one day I’ll be representing this school. Blessings on blessings,” aniya. (Sarah Jireh Asido)

Leave A Reply

Your email address will not be published.