Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Animam bumalik bangis sa Serbia

0 496

Mala-ginto na ang papawis ni Jack Danielle Animam sa likod ng 10-point, 6-rebound at 3-assist game nang turuan ng leksiyon ng Radnicki Kragujevac ang Student Nis, 112-91, sa 16th First Women’s Basketball League of Serbia 2021-22 elims sa Cair Sports Center sa Nis, Serbia Linggo (Lunes sa Manila)

Pambalikwas ito ng 22-year-old, 6-foot-5 Pinay import buhat sa Malolos, Bulacan at kanyang tropa na nito lang Biyernes tumilapon kontra Vojvodina 021, 48-65, kung saan ndiyeta siya sa nine-point, 13-rebound performance.

Iyon ang unang pagkakataon na nasawata si Animam sa single digit output makaraang mag-average ng 23.6 points at 15.2 rebounds sa unang limang sabak sa liga.

Nalimitahan din ang minuto niya kontra Nis dahil naman sa foul trouble. Pero kontrolado ng Radnicki ang labanan na sumampa sa sixth place sa 4-3 win-loss record kasabay sa pagsalya sa Student sa 1-6.

Ibinangko na si Animam sa fourth quarter, pero timbog na ng Kragujevac ang panalo dahil sa 26 puntos na bentahe.

May 12-araw siya at kampo na magagarahe bago bumalik sa aksiyon sa November 20 para hamunin naman ang Vrbas Medela (2-5). (Aivan Denzel Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.