Abante Tonite Interactive

Anita Noble, Miss Philippines

11

Isang taga-Batangas sa katauhan ni Anita Noble ang tinanghal bilang kauna-unahang Miss Philippines.
***
Nakamit ni Fernando Poe Jr. ang Best Actor Award ng FAMAS nang limang beses. Kabilang sa mga pelikulang ito kung saan kinilala ang kanyang galing sa pag-arte ay ang Mga Alabok sa Lupa, Asedillo, Durugin si Totoy Bato, Um­pisahan Mo, Tatapusin ko at Magnum.
***
Ang unang closed-circuit television (CCTV) system ay ginawa ng Siemens AG sa Test Stand VII sa Peenemunde, Germany noong 1942. Gi­namit ito para obserba­han ang pagpapalipad ng V-2 rockets, isang short-range ballistic missile na ginawa noong simula pa lamang ng World War II sa Germany. Ang kila­lang German engineer na si Walter Bruch ang na­nguna sa technological design at paglalagay ng CCTV system.
***
Siya si Catalino Ortiz Brocka na mas kilala sa industriya ng pelikulang Pilipino sa pangalang Lino Brocka. Isa siya sa pinakamahusay na direktor sa Pilipinas at marami nang nakamit na award. Sa pelikulang “Tubog sa Ginto” na ginawa noong 1970 unang nakatanggap ng award si Brocka bilang Best Director mula sa Fi­lipino Academy of Movie Arts and Sciences Awards (FAMAS).
***
La Esperanza ang pa­ngalan ng kauna-unahang daily newspaper sa Pilipinas.
***
Ang Pasyon na ginagamit sa pabasa tuwing Mahal na Araw ang tinuturing na “best seller” na aklat sa Pilipinas sa lahat ng panahon.
***
Si Juan Luna ang kauna-unahang Filipino na nakilala sa buong mundo dahil sa kanyang obra maestra na Spolarium.
***
Si Manuel L. Quezon ang unang pangulo ng Pilipinas na tumira sa Palasyo ng Malacañang.