Abante Tonite Interactive

Anjie mahilig sumisid

345

Candidate #2 si Anjie Nazareno sa BNaked: The Quest for the Sexiest Runway Model. Gaganapin ito sa October 20, 8 PM sa New Frontier Theater, Araneta City, Cubao, QC.

Pero ayaw niyang maging number 2 lang sa contest na ito. Gagawin niya ang best niya para mag-reyna sa BNaked.

May sukat siyang 33-23-34. May taas na 5’6”. Hilig niya ang mag-swimming at free diving.

Naniniwala siya na kung may goals ka sa buhay, pagsikapan mo na ngayon at ‘wag gawing late.

Anyway, prodyus ng Mr. P Entertainment ang year 2 ng BNaked. Ito ay sa ilalim ng direksyon ni Joane Laygo.

Ang objective ng BNaked ay kung paano maging fit, healthy, sexy, famous, confident at free sa mga sakit.

Special guests sina Jake Cuenca, Eisel Serrano at Klarise de Guzman. Ang host ay sina Carlos Agassi at Ali Forbes.

Mabibili ang tiket sa ticketnet (911-5555). (Roldan Castro)