Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Anjo ‘di kawalan sa Eat Bulaga

0 994

NI: ARCHIE LIAO

After more than 20 years, ipinahayag ni Anjo Yllana ang kanyang pagre-resign sa longest-running noontime variety show na Eat Bulaga.

Sey naman ng mga netizen, hindi raw kawalan ang aktor sa nasabing programa.

Hirit pa ng ilang bitchy netizen, hindi raw naman siya mami-miss sa show dahil tulad ng ibang naging segment host na natsugi, wala raw naman itong significant contribution.

Katunayan, bihira na rin daw itong mapanood sa Eat Bulaga lalo pa’t ang mas inaabangan ng mga Dabarkads ay ang TVJ (Tito, Vic & Joey),JoWaPao (Jose, Wally, Paolo) Alden Richards at Maine Mendoza.

Dagdag pa nila, okey lang daw ang desisyon nitong umalis sa show dahil hindi na ito ‘relevant’.

Ngayong wala na sa EB, balitang may bago siyang early noontime show sa Net 25 with Kitkat.

Leave A Reply

Your email address will not be published.