Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Anjo sumaklolo sa naaksidenteng rider

0 67

NI: VINIA VIVAR
Pinuri ng mga netizen si Anjo Yllana sa ginawa niyang pagtulong sa mga naaksidente sa motorsiklo sa Camarines Sur last Saturday.

Sa mga larawang ipinost ni Anjo sa kanyang Facebook account, makikita na tinutulungan niya ang dalawang tao na nakahandusay sa kalsada. Aniya sa caption, bumangga raw ang motorsiklong sinasakyan ng mga ito sa isang truck.

Makikita rin sa larawan ang ambulansyang rumesponde.

“Attending to casualties of motorcycle vs truck vehicular accident in Sipocot, Camsur,” ani Anjo.

Kasunod nito ay nagpaalala siya sa mga motorcycle rider na mag-ingat sa pagmamaneho.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Please lang sa mga nagmomotor hindi po parte ng motor ang katawan niyo lagi kayo magiingat po. Salamat po Gov. Migz Villafuerte for the super fast response sir. Hope they will be fine,” saad pa ni Anjo.

Bukod dito ay tumulong din si Ajo sa pagta-trapiko sa lugar na pinangyarihang aksidente. Makikita ito sa short video na ipinost niya.

Sa comment section ay all praises ang netizens kay Anjo. Komento nila, “good job, Anjo!”

Madalas lately si Anjo sa Bicol dahil ipinaaayos nila ng kapatid na si Jomari Yllana ang kanilang ancestral house doon.

Leave A Reply

Your email address will not be published.