Abante Tonite Interactive

Annabelle, Daisy pinapauwi si Morissette sa Cebu: Magtinda na lang ng isda saging

0 286

NI: VINIA VIVAR

Parehong galit na galit sina Annabelle Rama and Daisy Romualdez sa ginawang pagwo-walk-out ni Morissette Amon sa birthday concert ni Kiel Alo sa Music Museum last Wednesday, Nov. 6.

Naroroon din ang dalawang dating aktres at magkaibigan sa nasabing concert at naloka rin sila sa ginawa ni Morissette.

“Unang-una, hindi ako natataranta sa boses niya dahil tili siya nang tili,” pagtataray ni Daisy sa video interview .

Dagdag pa ni Mama Dey (tawag kay Daisy), “wala siyang lugar dito sa showbiz kasi, ang ugali ng singer, hindi ganyan o artista. Problema? Ang problema, iwanan mo sa bahay, kumanta ka. May mga tao ritong bumili ng ticket, nakakahiya! Inaasahan na kakanta ka, tapos, konting problema lang, lumayas ka.”

May tsikang nagka-heart burn daw si Morissette that night kaya umalis at sabi ng ina ni Tina Paner, “anon’g heart burn? Ang daming gamot diyan! Ang daming Kremil-S diyan!”

Payo pa ni Daisy, “umuwi ka na sa Cebu! Manahimik ka na, Morissette! Hindi ka pa nga ganu’n kasikat! Ano ka, si Sarah Geronimo?”

Singit naman ni tita Annabelle, “Daisy, huwag kang magsasabing ‘hindi ka ganu’n kasikat.’ Hindi ka pa sikat, bruha ka!” na obviously ay addressed to Morissette.

Dagdag pa ni Annabelle na tila kinakausap sa camera si Morissette, “huwag mong gawin sa akin ‘yan, day! Sa stage pa lang, kakaladkarin na kita.”

Hindi rin kinakagat nina Daisy at Annabelle ang dahilang na-off daw si Morissette sa mga tanong sa kanya ni Mario Dumaual dahil bilang artista or singer ay dapat daw itong maging professional sa trabaho.

Nagpo-produce rin ng concert sina Daisy at Annabelle kaya naiintindihan nila ang nararamdaman ng producer ng show na si Jobert Sucaldito. Pero ayon sa dalawa ay never pa raw nangyari ito sa kanila na hindi sisipot or magwo-walk-out ang artist.

“Huwag na siyang mag-singer! Ang arte-arte niya!” sey pa ni Annabelle.

Ayon pa sa nanay nina Ruffa at Richard Gutierrez, kaya siya naroroon sa concert ay para mapanood si Morissette at gusto raw sana niyang kunin din. Noon pa raw ay nagagalingan na siya sa singer. Pero dahil sa ginawa nito, hindi na raw niya ito kukunin.

“Naawa ako kay Jobert, eh, kasi producer din ‘yun, eh. Maraming bumibiling tickets, kasi akala andiyan siya (Morissette),” sabi pa ni Annabelle.

When asked kung ano ang mensahe niya for Morissette, pagtataray ni tita A, “tama si Daisy, umuwi ka ng Cebu day, magpahinga ka na, magtinda ka na lang ng mga isda at saka saging!”

Pinayuhan naman ni Daisy si Morissette na kahit ano pa raw mangyari at alam mong may commitment ka, dapat daw ay laging pinaiiral that the show must go on.

Dagdag naman ni Annabelle, “hindi na ‘yan sisikat, dong. Bagsak na ‘yan. Unang-una, na-in-love sa lalaki niya. Pangalawa, lumalaban sa tatay niya. Pag ang isang singer, lumalaki ang ulo, kinakalaban ang parents, patay ka na, day. Goodbye Morissette!”