Abante Tonite Interactive

Annabelle humingi ng tawad kay Amalia

0 899

Humingi ng tawad si Annabelle Rama sa harap ng labi ng Movie Queen na si Amalia Fuentes.

Taong 2012 nang magkaalitan ang dalawa na umabot pa sa demandahan.

Sa wake ng yumaong aktres, nagbigay ng huling mensahe ang mga taong naging parte ng buhay niya. Katulad na lang ng pamangkin ni Amalia na sina Aga Muhlach at Niño Muhlach.

Maging ang nakaalitan niya na si Annabelle ay hindi na pinalagpas ang pagkakataon para makahingi ng tawad sa huling sandali. Nagsampa pa nga ng kasong libel si Amalia laban kay Annabelle.

Ani Annabelle, “Na-hurt ako kasi nga hindi ako nakadalaw, eh. Pero at least nandito ako ngayon, I’m sure alam niya nandito ako.”

Humingi rin siya ng tawad sa harap mismo ni Amalia. Emosyonal niyang saad, “Tatawagin ko si Amalia, Patawad ha day. Hindi ko naman kasalanan kung bakit (ininggit) mo ako eh.” Aminado rin si Annabelle na hindi siya nakadalaw kay Amalia dahil may galit pa rin sa puso niya.

Aniya, “Hanggang sa huling ano niya … dito na ako nakadalaw kasi parang nandu’n pa ‘yung galit ko eh. Pero ngayon okay na, sumama na ako kay Eddie.”

Sa huli ay nagbiro pa siya na nagpatawa sa mga bisita. Aniya, “Kahit mayroon kayong nakaraan, okay lang din sa akin. Kasi mas nauna naman kayo sa akin eh.” (Ronaline Avecilla)